Isang araw... Pumunta ako sa tindahan ni aling nena Para bumili ng suka Pagbayad ko aking nakita Isang dalagang nakadungaw sa bintana Natulala ako laglag ang puso ko Nalaglag din ang sukang hawak ko Napasigaw si Aling Nena Ako naman ay parang nakuryenteng pusa Ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko na Nakatawa ang dalaga Panay ang "sorry ho" Sa pagmamadali nakalimutan pa ang sukli ko Pagdating sa bahay nagalit si nanay Pero oks lang ako ay inlababo ng tunay Chorus: Tindahan ni Aling Nena Parang isang kwentong pampelikula Mura na at sari-sari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera Pumunta ako sa tindahan kinabukasan Para makipagkilala Ngunit ang sabi ni Aling Nena Habang maaga'y huwag na raw akong umasa Anak niya'y aalis papuntang Canada Tatlong araw na lang ay babye na. (repeat chorus) Hindi mapigil ang damdamin Ako'y nagmakaawang ipakilala Payag daw siya kung araw-araw Ay meron akong binibili sa tinda niya Ako'y pumayag at pinakilala niya Sa kanyang kaisa-isang dalaga Ngunit nang makilala siya'y tumalikod na At iniwan akong nakatanga (repeat chorus) Chorus2: Tindahan ni Aling Nena Dito nauubos ang aking pera Araw-araw ay naghihintay O Aling Nena,please naman maawa ka-ahh Alam nyo'ng nangyari? Wala--ahh wala--ahh oh diyos ko! Wala--ahh wala--ahh
Recently we've been receiving e-mails in regard to download Eraserheads MP3 files. We do not distribute nor produce MP3 files. If you wish to download free MP3s on the internet we highly urge you to visit any MP3 download site and download MP3s which will help the music industry tremendously.